Alam mo ba na ang isa sa pinakasikat na laro sa pagtaya sa Timog-silangang Asya ay isang larong casino na tinatawag nating Tongits? Madali itong laruin at kadalasang nilalaro gamit ang mga baraha. Kung interesado kang maglaro ng Tongits game, mangyaring basahin ang blog post na ito para sa mechanics ng laro, mga patakaran at kung paano manalo sa laro.
Paano laruin ang Tongits?
Paano nga ba nilalaro ang Tongits? Ito ay mayroong tatlo hanggang apat na manlalaro. Magpapaunahan ang lahat ng players na maubos ang mga baraha o maaari ring maging pababaan ng bilang ng mga hawak na baraha ang labanan. Puwede ring patigilin ang laro sa pamamagitan ng pagsasabi ng “draw” or deal” kung sa tingin ng player ay nadedehado na siya sa laro at pakiramdam niya ay nasa kanya pinakamababang bilang ng baraha. Alamin natin kung paano nga ba laruin at paano manalo sa Tongits Go ng totoong pera!
Ang larong Tongits ay para sa tatlo o hanggang apat na manlalaro. Ang dalawa o tatlong manlalaro ay mayroong labindalawang (12) baraha at ang isa naman ay tinatawag na “dealer” na mayroong labingtatlo (13).
Ang mga manlalaro ay magdaragdag ng ‘2 taya’ bago ang bawat laro. Ang unang magiging dealer ay pwedeng pag-usapan ng mga manlalaro at pwede ring magpresinta. Para sa mga susunod na round, ang mananalo ang magiging dealer.
Ang dealer ay magsisimulang mag-deal sa paikot na direksyon. Ang kasunod na manlalaro ay maaaring mag-CHOW o mag-PICK mula sa discard pile. Maaari lamang kumuha ng card mula sa discard pile kung magagawa mong gumawa ng isang meld (isang set o run) gamit ito, at pagkatapos ay obligado kang ilantad ang meld.
Paano manalo sa Tongits?
Mayroong 3 paraan upang manalo sa laro:
- Basic Tongits
Pwedeng gamitin ng manlalaro ang kanyang mga baraha sa kahit na anong kumbinasyon, ito ay sa pamamagitan ng pagdudugtong sa mga nakalatag na card set ng mga kalaban. Kung magagawa ng player na gamitin ang lahat ng cards na hawak, mananalo siya bilang naunang makapag-Tongits.
- Win by Deck Runs Out
Kung naubusan ng mga baraha ang deck at walang naghamon ng draw o nanalo ng Tongits, ang manlalaro na may pinakakaunting puntos ang mananalo sa laro.
Kung mayroon ka pang melds na hawak kapag may tumawag ng draw, ang mga ito ay hindi madadagdag sa iyong kabuuang puntos – tanging unmelded cards lamang ang bibilangin.
Related Posts:
Pusoy game online Mega Win App Gcash 2022 free download
Online Sabong App game Mega Win Gcash 2022 free download
Casino Slots Machine game online Gcash free download 2022
- Win by Draw
Kung sa tingin mo ay mas kaunting puntos ang nasa iyong mga kamay kaysa sa alinman sa iyong mga kalaban, maaari kang tumawag ng Draw. Ito ay direktang paghamon sa iba pang players na tatapos sa laro, manalo ka man o matalo sa draw. Kung ang isa kalabang manlalaro ay biglang naghamon ng draw bago ka pa man tumira o magkapaglapag ng baraha, ang opsyon mo ay FOLD o FIGHT.
Kung patuloy kang nanalo ng 2 laro, maaari kang manalo ng jackpot. Kapag hindi ka na makapag-draw, okay lang ito, hanggang maubusan ka ng baraha at may matira na isang meld sa table. Kung ang ibang mga manlalaro ay nakapagdugtong ng cards sa iyong meld mula sa huli mong pagtira, kailangan mong maghintay ng isang kumpletong pag-ikot bago makapagtawag ng Draw.
Kung ang isang player ay nagtawag ng Draw ngunit mas mataas naman ang bilang ng kanyang baraha kaysa sa iba pang manlalaro o kaya ay tabla, ang manlalaro na nasa kanan o susunod dapat na titira ang mananalo anuman ang rotation na sinusunod ng grupo. Kung hindi ka pa nakakapagbaba ng meld sa iyong huling turn at hindi rin nakapag-ambag ang mga kalaban sa iyong (mga) meld, hindi ka pa pwedeng maghamon ng Draw. Kung nakabuo ka ng 4 o higit pang mga card sa iyong huling tira, maaari nang gawin ito.
Paano matatapos ang laro?
Samantala, kapag naisipan mong subukan ang paglalaro sa Tongits online, narito ang ilang tanda o hudyat na patapos na ang kasalukuyang round:
Kapag naubusan na ng baraha sa stockpile
Tapos na ang laro kapag nagkuha na ang huling baraha na nasa stockpile. Tapos na ang laro para sa sinumang hindi pa nagpapakita ng kanilang mga baraha sa pamamagitan ng paglalagay ng kahit isang meld sa mesa.
Ipapakita ng players ang kanilang mga baraha para malaman kung ilang unmelded cards ang mayroon sila. Ang magwawagi ay ang may pinakakaunting puntos. Upang matukoy ang panalo kung sakaling may tabla o nagkataong may dalawang manlalaro na parehong may mababang kabuuang iskor, ang manlalaro na susunod sanang tumira na nasa kanan ng kumuha ng panghuling card ang tatanghaling panalo.
Kapag may nag-Tongits sa mga player
Maaaring isigaw agad ang “Tongits!” matapos mong magamit ang lahat ng iyong cards sa mga kumbinasyon o sa pamamagitan ng paglalagay ng mga ito sa nakalapag nang melds.
Kung ang lahat ng mga card na nasa iyong kamay ay tumugma sa mga itinakdang set para sa Tongits, maaari mong piliin na wakasan ang kasalukuyang round sa pamamagitan ng pagdi-discard ng mga baraha.
Kapag nag-draw ang isang player
Para magkaroon ng isang draw, tatangkain ng isang manlalaro na masungkit ang nasa pot kapag sa palagay niya ay mas matataas ang bilang ng natirang baraha ng mga kalaban at malamang na mag-fold ang mga ito. Maaaring tumawag sa Draw bago pa kumuha ng card sa stock pile.
Hindi posibleng magtawag ng Draw kapag nakatira na o nakapaglapag na ng melds. Dapat na maghintay ng susunod na turn upang iutos ang Draw sa alinmang sitwasyon.
Mayroong dalawang pagpipilian ang mga manlalaro kapag ang isang player ay nagdeklara ng draw: ang mag-fold o i-challenge ang nanghamon.
Panalo ang manlalaro na tumawag ng draw kung ang ibang players ay nag-fold nang sabay-sabay. Kapag may kumasa sa nanghamon, ikukumpara ng mga manlalaro ang kanilang cards bago magpasya kung sino ang mananalo sa pamamagitan ng pagbibilang kung gaano karaming puntos ang nakuha ng bawat manlalaro.
Ang naghahamon ay dapat manalo sa lahat ng magsasabing fight o papatol sa draw. Ang draw ay nangyayari kapag may ‘dead heat’ sa pagitan ng dalawang challenger. Upang i-challenge ang isang draw, dapat na buksan muna ng isang manlalaro ang kanyang baraha.
Awtomatikong mananalo ang player na nag-draw kung walang ibang manlalaro ang magbubukas ng cards o kasabay na tumawag ng draw. Sa madaling salita, walang binatbat ang sinumang kalaban sa puntong iyon. Ang mga hindi nag-open ng meld ay dapat magbayad ng karagdagang pusta sa nanalo.
Download Mega Win Club
Download Mega Win Club on Android
Download Mega Win Club on iOS
Download Mega Win Club Apk
Ngayon ay alam mo na ang lahat ng tungkol sa paglalaro ng isa sa mga paboritong libangan ng mga Pinoy – ang Tongits, maging kung paano manalo at makakuha ang jackpot. Ano pa ba ang hinihintay mo? I-download na ang Mega Win Club app sa iyong smartphone. Ito talaga ang pinakamahusay na smartphone casino!
Maaari mong tangkilikin ang mga laro sa casino at manalo ng totoong pera. Nag-aalok ang Mega Win Club ng maraming uri ng larong casino: slots, poker, pagtaya sa sports, tongits, at marami pang iba! Simulan mo nang maghanap ng mga kalaro at mag-enjoy gamit ang app. Munting paalala lamang, play moderately!