Pusoy game online Mega Win App Gcash 2022 free download

Ano nga ba ang Pusoy? Ito ay kilalang card game hindi lang sa Pilipinas, maging sa iba’t ibang bansa. Ang mga estratehiya at kasanayan ay mahalaga para sa laro at kailangan dito ng matinding konsentrasyon.

Paano Maglaro ng Pusoy Dos

Ito ay nilalaro ng dalawa, tatlo o hanggang apat na manlalaro. Ang bawat manlalaro ay binibigyan ng labintatlong baraha. Ang layunin ng laro ay maiayos ng player ang kanyang cards ayon sa ranking ng mga kumbinasyon ng baraha para sa Pusoy Dos. Sa ibang bersyon ng pusoy, nagtatapon ang bawat player ng kumbinasyon ng cards hanggang sa magkaubusan ng mga hawak na baraha. Sa dulo ay paghahambingin ang mga natitirang cards at ang may pinakamataas na value ang tatanghaling panalo. Syempre kapag Dos, lalo na kung 2 of diamonds ang natira sa iyo, panalo ka sa Pusoy!

Tulad ng karaniwang pusoy, para makapaglaro ka ng larong Pusoy Dos Online, kailangan mong malaman at kabisaduhin ang suits at card order. Heto ang mga dapat malaman:

Pusoy
Pusoy

Singles

Ito ay mga single card mula sa deck. Ang pinakamataas na single sa Pusoy Dos ay ang 2 of diamonds at ang pinakamababang single ay ang 3 of clubs.

Doubles

Isa pang tawag sa “doubles” ay two-of-a-kind. Kasama sa mga double ang isang pares ng mga card na may pantay na rank. Ang pinakamababang double ay isang pares ng 3’s. Ang pares na may 3 diamond ay palaging mas mataas. 

Triples

Kilala rin ito bilang three-of-a-kind. Binubuo ang mga ito ng 3 baraha na pare-pareho ang value. Ang pinakamataas na rank ng kumbinasyon ay triple twos’ (2, 2, 2) at ang pinakamababa naman ay binubuo ng triple threes’ (3, 3, 3).

Five Cards

Ang kumbinasyon ay binubuo ng limang random card. Ito ay ang straight, flush, full house, quads at straight flush.

Sa paglalaro ng Pusoy Dos, mangunguna ang dealer sa pamamagitan ng pag-shuffle ng deck. Pagkatapos ay ipapamahagi niya ng pantay sa mga manlalaro ang mga baraha. Ginagawa ito nang pakanan hanggang sa ang bawat manlalaro ay magkaroon ng 13 na baraha. Narito ang mga paraan ng paglalaro na dapat malaman upang magkaroon ng tsansang manalo:

Related Posts:

Online Sabong App game Mega Win Gcash 2022 free download

Casino Slots Machine game online Gcash free download 2022

Lucky 9 game online Mega Win App Gcash 2022 free download

Layunin ng Laro

Ang layunin ng laro ay magamit ang lahat ng iyong cards nang sabay-sabay, sa pinakakapakipakinabang na paraan. Ang may pinakamababang value ng hands o ayos ng mga baraha ay talo sa laro.

Pusoy
Pusoy

Ang Game Play

Labintatlong baraha bawat isa ang ibinibigay sa apat na manlalaro mula sa isang karaniwang 52-card deck. Ang manlalaro na nagtataglay ng 3 of clubs na card ay dapat na maisama ito sa anumang posibleng mataas na kumbinasyon. Ang pagtira ng mga manlalaro ay umiikot nang pakanan o clockwise. Para sa bawat round, ang mga manlalaro ay may opsyon alinman sa mga sumusunod: magtapon ng mga card na mas mataas ang rank kaysa sa naunang tumira, o mag-pass.

Kontrol

Kapag ang iba pang mga manlalaro ay nakapasa o ang naunang manlalaro ay itinapon ang lahat ng kanyang mga card, siya ay ituturing na taong may kontrol sa laro. Kapag ang isang manlalaro ay may kontrol, hindi siya makakapag-pass at maaari siyang magtapon ng anumang kumbinasyon, kahit na ito ay mas mababa pa kaysa sa nakaraang turn.

Rounds 

Ang manlalaro na may pinakamababang card (3 of clubs) ay mauunang tumira o maglalapag ng mga baraha. Maaari itong laruin bilang single, double, triple o bahagi ng Five Cards. Ang mga card ay dapat na ilapag sa gitna ng nakatihaya upang makita ng lahat ng players.

Pag-ikot ng Pagtira o Turns

Ang manlalaro sa iyong kanan ang susunod na titira pagkatapos mo. Nangangahulugan ito na ang ikot ng laro ay clockwise.

Tricks at Diskarte sa Pusoy

Pagbaba ng Card

Kung gusto mong mag-drop ng card, gawin mo ito sa oras ng iyong turn. Ang kumbinasyon ng cards na mayroon ka ay dapat na mas mataas kaysa sa inilaro o itinapon ng taong nauna sa iyo.

Pag-pass

Kung wala kang mas mataas na card o kailangan mong i-save ang iyong card, maaari kang mag-pass. Ang iyong turn ay awtomatikong lilipat sa susunod na manlalaro.

Pananalo at Pagbibilang ng Puntos

Ang unang taong makaubos ng lahat ng kanyang mga card ay ang mananalo. Ngunit sa ibang bersyon, ang laro ay nagpapatuloy hanggang sa isang tao na lamang ang may natitirang cards. Kapag nanalo ang isang tao, at natapos ang laro, ang nagwagi ay binibigyan ng 1 puntos at ang mga natalo ay 0.

Kapag ang laro ay humantong sa iisang tao lamang ang may baraha, ang nanalo ay nagkakaroon ng 5 puntos samantalang ang 2nd place ay may 3 puntos at ang 3rd place ay may 1 point.

Regular Case

Sa paglalaro ng Pusoy, ang mga pusta ay tinatawag na UNITS o itinakdang halaga ng pera para sa bawat puntos at uri ng panalo. Para sa bawat pagkakakataong nadaig mo ang front, middle o back hands ng mga kalaban, makakatanggap ka ng isang yunit bilang kabayaran.

Pusoy
Pusoy

At ‘eto pa, ang pangalawang pwesto sa mesa ay sapat na upang kumita ng pera sa larong ito, hindi katulad ng ibang mga laro ng poker. Kung mananalo ang isang manlalaro sa dalawa o tatlong magkakasunod na hands, siya ay gagantimpalaan ng karagdagang yunit. Kung nanalo naman ang isang manlalaro sa lahat ng hands sa isang round ng laro, makakakuha siya ng dagdag na unit. Sa iba pang variation ng laro kilala rin ito bilang SCOOP.

Ang Pinoy game na Pusoy ay gumagamit ng 1-6 score system para sa mga laro nito. Isang yunit ang iginagawad para sa bawat isa sa tatlong hands na napanalunan sa 1-6 na paraan. Ito ay may karagdagan pang 3 bonus na yunit na maaaring makuha kung ang manlalaro ay nagawang maipanalo ang bawat tapatan ng hands.

Special Case

Ang mga karagdagang unit ay maaaring ibigay sa mga manlalaro na may napakahusay na mga nabuong hands na nasa anyong royalty o bonus. Kinakailangang ipahayag o banggitin muna ang lahat ng royalty bago ilahad ang nabuong mga baraha.

Natural Case

Ang royalty o kilala rin bilang “naturals,” ay maaari lamang igawad kung ito ay ibibigay sa isang manlalaro bago pa man sumuko ang ibang mga manlalaro.

Mis-Set-Hand

Ang maling pag-set ng hands o pag-aayos ng mga baraha ay maaaring magresulta ng penalty sa isang manlalaro at kailangan niyang magbayad sa bawat natitirang kalaban ng halagang katumbas ng pagkuha ng SCOOPED. Nangyayari ito halimbawang nakapaglagay ng triples sa front, ngunit dalawang pares lamang ang nasa salansan ng back hands ng player.

Download Mega Win Club
Download Mega Win Club on Android
Download Mega Win Club on iOS
Download Mega Win Club Apk

Konklusyon

Ngayong alam mo na kung ano ang Pusoy game ay maaari ka nang humanap ng iyong mga makakalaro. Madali mo na silang mauutakan gamit ang mga kaalaman na ibinahagi namin sa’yo! Ano pa ba ang hinihintay mo? Laruin na ang pusoy game at i-download ang Mega Win Club app!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *