Big Money Slot Machine: 2x na Pagpapataas ng Tsansang Manalo

Maraming iba’t ibang uri ng disenyo ng slots. Isa sa tradisyunal na slots ay ang fruit slots o slots na ang mga symbol na makikita ay sari-saring mga prutas. Fruit slots ang bubulaga sa iyo kapag naglaro ka ng Big Money slot machine.

Kung ang hanap ay slots na nakapagbibigay ng mas disenteng panalo, Big Money slots machines ang magandang subukan. Ito ay may dalawang klase ng laro. Una ay ang basic game na una mong malalaro sa loob nito at magiging susi upang makapaglaro ng top game sa sandaling makakuha na ng sapat na credits. 

Dalawang Klase ng Laro sa Big Money Slot Machine

Ang basic game ay angkop para sa kahit na sinong manlalaro at mayroon itong malalaki at matitingkad na graphics. Madali ring maunawaan ang mga alituntunin ng laro. May isang tuwid na payline sa gitna ng set ng tatlong reels. Kailangan lang mag-match ang symbols sa isang hilera upang manalo. Kung sinuswerte, maaaring manalo rito ng malaki. Abangan din ang tatlong 7 symbols para makuha ang top prize na magbibigay ng 100 credits. Ang halaga ng taya sa basic game ay abot-kaya dahil nangangailangan lang ito ng 1 credit sa bawat linya. 

Kung ang layunin sa paglalaro ay manalo ng mas malaki, ang top game ang kailangang puntiryahin. Kapag may nakuha ng credits, maaaring i-click ang start button para makapunta sa top game. Maaaring mamili ng tatayaan sa 5 o 10 bets kada spin. Medyo mas magastos nga lang ito ngunit mas malalaki naman ang mapapanalunan. Nilalaro ito sa parehong reels ng basic game ngunit mas maraming paylines ang aktibo na makapagbibigay ng mas malaking tyansa ng panalo sa bawat spin. Kapag naglalaro ng top game, maaaring bumalik sa basic game anumang oras at maaaring ilipat din ang mga napanalunan. Maaaring makolekta ang mga ito anumang sandali basta’t may naipon ng €10 o higit pa.

big money slot machine
big money slot machine

Features ng Laro 

Upang mapataas ang pagkakataong manalo, maaaring subukan ang Gamble option. Madodoble ang mapapanalunan kung mananalo rito, ngunit kung sakaling matalo naman ay mawawala rin ang lahat ng dapat sana ay mapapanalunan.

Kaabang-abang din ang Big Wheel bonus. Ito ay naa-activate sa sandaling ang tatlong Z-bar ay humanay ng pahalang o pahilis sa reels. Kapag nangyari ito, ang Big Wheel ay magsisimulang kumilos depende sa iyong taya na 5,10 o 20 credits. Maaaring makakuha rito ng 1,2 o 3 spins. 

Ang fruit slots ay likas na mabilis kaya’t mahirap makita ang mga signs na magpapanalo sa iyo. Ang auto function feature ang makatutulong sa iyo sa bagay na ito. May kakayahan itong ma-freeze ang reels na maaaring makatulong sa iyo sa susunod na spin. Isang magandang feature ito lalo na para sa mga baguhan pa lamang sa larong tulad nito. Mapapataas din nito ang tyansang makakuha ng 3 symbols sa isang hanay. Ngunit para sa mga bihasa na sa larong ito at ayaw gamitin ang auto spin, maaaring i-click ang reset button para ma-release ang auto hold sa susunod na spin. Awtomatiko naman itong mare-reset sa mga susunod na spins kaya hindi kailangang mag-alala dahil hindi ito permanenteng mawawala.

Ang paggamit ng autoplay ay mahusay upang maiwasan ang paulit-ulit na pagpindot ng play sa tuwing gugustuhing mag-spin, kung gusto mong panoorin na lang ang pag-ikot ng reels habang hinihintay ang panalo. 

Related Posts:

5 Dragon Slot Machine Big Win

Pusoy Tricks: 8 Panalo at Mabisang Paraan ng Paglalaro

Geisha Slot Machine Big Win: Napipintong Panalo sa 94.9% RTP

big money slot machine
big money slot machine

Tips at Tricks sa Paglalaro ng Slots

Pagdating sa tagumpay sa paglalaro ng big money slots machines, importante ang kaalaman. Kahit na ang panalo rito ay ganap na random at nakasalalay sa swerte, higit na magiging maganda ang karanasan sa paglalaro kung may mga pangunahing kaalaman tungkol dito. 

Maging maingat sa pagpili ng slots. Kailangang maunawaan na walang slots na magkapareho. Hindi lang sa tema, tunog, kulay, features at symbols kundi maging sa RTP nito. Hanapin ang slots na may mataas na RTP at ito ang piliing laruin. 

Magsanay ng paglalaro sa free games. Bago magbitaw ng kauna-unahang taya, subukan munang maglaro sa ng free games. Hindi lang ito makakalibang, makikilala rin ang laro at ang pasikut-sikot nito. Piliin ang mga nag-aalok ng maraming bonus rounds dahil mahahasa ang kasanayan dito.  

Pag-aralan ang pay table. Bawat slots ay may kani-kanyang pay table. Dito makikita kung anong symbol ang higit na mahalaga at alin ang makapagbibigay ng malaking panalo. Malalaman din dito kung alin ang wild at scatter symbol. Makikita rin dito kung may mga espesyal na features ang slots tulad ng multiplier, bonus, free spins, at gamble. 

Ang isa sa pinakaimportanteng tip ay ang pagtatakda ng badyet bago pa man magsimulang maglaro. Huwag na huwag magsisimula sa pag-spin hangga’t hindi pa naitatakda kung hanggang magkano lang ang uubusin sa pagtaya. Kapag naabot na ang itinakdang badyet ay tumigil na sa paglalaro. Huwag tumaya ng higit sa kakayahan mong magbayad o bumili.

May mga larong maliliit ang jackpot ngunit madalas naman ang payout. Kung hindi naman naghahangad ng malaking panalo, maaaring piliin na lang ang larong may mas maliit na jackpot. Nakakaengganyo naman talaga ang mga larong may malalaking jackpot ngunit kadalasan ay mas malalaki ang taya rito at madalang ang panalo. 

Kung ang hanap mo naman ay malakihang panalo, ang dapat laruin ay progressive jackpots. Ito ay patuloy sa paglaki hangga’t wala pang nakakakuha ng takdang premyo. Ngunit tandaan na sa ganitong laro ay lubhang madalang ang panalo at sadyang swertihan talaga, subalit kung ikaw ang mapalad na makakuha ay tiba-tiba ka naman!

big money slot machine
big money slot machine

Download Mega Win Club
Download Mega Win Club on Android
Download Mega Win Club on iOS
Download Mega Win Club Apk

Konklusyon

Ang paglalaro ng big money slots machines ay dapat na nakakapagpasaya ngunit minsan ay dumarating sa puntong nagiging sanhi na ito ng problema. Kung dumadating na sa puntong parang nalulula na sa paglalaro o kung minsan ay umiinit na ang ulo, baka oras na upang huminto sa paglalaro. 

Maaari rin naman na nababagot na sa nilalaro. Sa pagkakaroon ng ganitong pakiramdam, sumubok ng ibang mga laro tulad ng Mega Win Club para maiba naman ang nakikita at mawala ang pagkabagot sa paulit-ulit na ikot, lalo kung mailap ang panalo.

Walang eksaktong teknik para manalo sa slots. Ang paglalaro nito ay pakikipagsapalaran at maraming swerte ang kailangan. Maaaring nakakaakit na ilagay ang lahat ng pera sa isang spin ngunit mas maganda na hati-hatiin ito upang mas maging matagal at masaya ang karanasan sa paglalaro. Kahit na hindi malaki ang maaaring mapanalunan magiging panalo pa rin ang karanasan kung mapupuno ito ng saya!

Mega Win

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *