Tongits Extreme: Dapat Laruin o Dapat Iwasan?

Ano ang kakaiba sa Tongits Extreme? Maraming laro ang pwedeng laruin gamit ang baraha, iba’t ibang paraan at iba’t ibang kasanayan din ang gagamitin sa bawat laro. Ngunit bakit nga kaya sa tongits nahumaling ang karamihan sa mga Pinoy? Kahit saan o kahit sinong Pinoy kapag tinanong mo nang alam nilang card game, Tongits agad ang maiisip. Bakit nga ba?

Wala namang eksaktong sagot sa tanong na iyan sapagkat bawat tao ay may kani-kanyang kagustuhan at pagpapasya. Pero ang Tongits ay sadyang nakakalibang, may mga naaadik pa nga dito at dumadayo pa sa malayo upang makapaglaro lang nito noong mga panahong hindi pa uso ang online na mga app tulad ng Tongits Extreme. Simple man ito laruin, ginagamitan pa rin ito ng angkop na estratehiya upang manalo sa laro. 

Ang karaniwang nagugustuhan ng mga manlalaro sa Tongits ay maraming halo-halong emosyon ang mararanasan habang nilalaro ito. Kaba na baka pareho kayo ng hinihintay na baraha ng iyong kalaban, excitement kung ano ang susunod na mabubunot lalo na kapag panipis ng panipis ang bunutang baraha, at ang binibigay nitong saya sa pagkakataon ng paghamon ng draw ng isa sa mga manlalaro kahit na kung minsan ay bluff lang ito lalo na kung pangit ang nakuhang set ng baraha.

Salamat at available na online ang apps gaya ng Tongits Extreme app na pwede nang malaro kahit saan o anumang oras. Kailangan lang ng device na gagamitin, internet connection at presto! Makakapaglaro ka na. Kaya lang ay wala itong function upang makuha ang mga napanalunan sa paglalaro. Mananatiling kunwari lang ang perang napanalunan kahit ginalingan mo pa ang paglalaro. Buti na lang at may magandang alternatibong app na Mega Win Club na may kakayahang makapag-payout ng napanalunang premyo sa paglalaro.

tongits extreme
tongits extreme

Features ng Tongits Extreme

Gamit ang Tongits Extreme app, makakapaglaro online ng tulad sa pisikal na paglalaro. Makakalaban mo ang matatalino at may iba’t ibang personalidad na mga Artificial Intelligence (AI). Maraming level ang kailangang matapos kaya’t hindi mauubusan ng lalaruin sa Tongits Extreme. Magsisimula sa madadaling levels at kapag nakalampas na sa Level 7, mabubuksan ang mas matatalino at mas mahirap kalabaning mga AI.

Maaaring mamili ng background habang naglalaro. May interactive message na binibigay ang Tongits Extreme app upang gabayan ang mga manlalaro sa kabuuan ng paglalaro. May mga token at flag na makikita habang naglalaro na magpapaalala kung sino ang nanalo sa huling round, ang huling bumunot ng bahara sa stack, at ang mananalo ng jackpot. Hindi na kailangang laging tandaan ang bilang ng baraha dahil may makikitang bilang ng natitirang baraha sa ibabaw ng deck. 

Layunin sa Paglalaro ng Tongits

May tatlong layuning mapagpipilian na pwedeng magawa upang manalo sa paglalaro ng Tongits. Una ay ang pagkaubos ng lahat ng hawak na baraha kung saan maaari kang magdeklara ng “Tongits” o ibig sabihin ay panalo ka na.

Pangalawa ay ang pagkakaroon ng pinakamababang bilang ng baraha kapag naubos na ang stack na nasa gitna. Sa pagkaubos ng barahang stack, magbibilangan ng puntos ng bawat baraha at ang may pinakamababang kabuuang bilang ang siyang mananalo. Tandaan na kailangang may naibaba nang bahay kahit isang set bago pa man maubos ang stack kung hindi ay mas malamang ang pagkatalo.

Pangatlo at ang pinakahuli ngunit pinaka-exciting na paraan upang manalo, ang paghamon at pagtatangkang manalo sa isang draw. Tandaan na gawin lamang ito kung nakasisiguro o mas malaki ang posibilidad na ang hawak mong baraha ang may pinakamababang kabuuang bilang. 

Related Posts:

Tongits Plus: 100% na Sulit Bang Laruin?

How to Convert Gocoins to Gcash 2022

Big Slot Machine Wins: Ang mga Sikreto para Makuha

tongits extreme
tongits extreme

Mga Paraan Upang Mapataas ang Tsansang Manalo

Ang Tongits ay isang laro rin ng pakiramdaman. Kailangang pakiramdaman ang hawak na baraha ng kalaban base sa hawak mong baraha, sa mga ibinababa nilang baraha, at sa mga nabubunot mong baraha mula sa stack. Samahan pa ng kaunting aritmetik at maaaring mahulaan kung ano ang binubuong baraha ng kalaban. Dahil dito, maaari nang makabuo ng estratehiyang gagamitin upang manalo sa laro at magagawa mong ipitin ang barahang tingin mo ay kailangan ng kalaban upang mapigilan ang pagbuo nila ng bahay. Kung nahulaan mo na rin ang mga hawak nilang baraha, malalaman mo kung pwede kang manghamon ng pababaan ng baraha kung sa tingin mo ay wala ka nang mabubuong bahay sa mga natitira mo pang baraha.

Dahil pababaan nga ang laro, gawing prayoridad ang pagbuo ng mga mas mabababang bilang ng baraha sa pagsisimula pa lang ng laro nang sa gayon, kahit hindi makumpleto ang binubuong mga bahay ay mababa lang ang matitirang baraha sa iyo bandang huli.

Kung makakakuha ng mga nasa gitnang numero ng baraha tulad ng lima, anim, o pito, itabi ito dahil maaari itong gawing pandugtong sa mga flush. Maaari rin itong buuin at itabi upang hindi makapagdugtong ang mga kalaban sa mga nakababang bahay. Kung hindi sila makapagdurugtong, mas tatagal ang pagbuo nila at ang pagpapaunti ng hawak nilang baraha. 

Higit sa lahat, huwag masyadong ma-stress na makakuha ng panalo. Mas relaxed sa paglalaro, mas makakapag-isip ng tamang taktikang magagamit at mas tataas ang posibilidad na manalo. Kung nalilibang na sa paglalaro, kusa nang malalaman ang mga dapat gawin. At manalo o matalo man, masaya pa rin ang magiging karanasan sa bandang huli.

tongits extreme
tongits extreme

Konklusyon

Ang Tongits ay isang klasikong larong nakakalibang at nakatutulong din na mahasa ang bilis ng pag-iisip ng manlalaro sa paggawa ng estratehiyang gagamitin upang manalo sa mga kalaban. Sa pagpili ng online app na gagamitin sa paglalaro ng Tongits, maaaring mamili sa mga available ngayon kung ang gusto mong gamitin ay ang purong playing app lang o play-to-earn apps. 

Kahit na laganap na ang mga scam na apps sa ngayon, marami pa rin naman ang mga tunay na paying app tulad ng Mega Win Club na nag-aalok ng pagkakataong kumita kasabay ng paglalaro kaya marami pa rin ang mga tumatangkilik sa ganitong mga app at naeengganyong maglaro nito. Sulit kasi ang oras na gagamitin sa paglalaro. Nalibang ka na, kumita ka pa, maliit man ito o malaki.

Download Mega Win Club
Download Mega Win Club on Android
Download Mega Win Club on iOS
Download Mega Win Club Apk

Iwasan lang natin itong ipagamit sa mga mas bata na hindi pa gaanong malakas ang kontrol dahil minsan ay nakakaadik na laruin ang mga larong tulad ng Tongits, Pusoy, Lucky Nine, at iba pang mga card games. Maaaring mapabayaan nila ang pag-aaral at unahin lagi ang paglalaro. Kaya mas mabuti na hindi masyadong ipapakita ang paglalaro nito sa mga bata upang hindi sila maenganyo na maglaro agad nito sa murang edad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *