Sa lahat ng card games, Tongits ang pinakapaborito ng mga manlalaro. Ginawan na ito ng iba’t ibang estilo sa apps upang maging mas moderno at kawili-wili ito. Isa na sa mga available na app ngayon ay ang Tongits Plus.
Ang Tongits Plus ay na-update na mula sa naunang bersyon nito upang idagdag ang multiplayer feature at ang option para makapaglaro offline. Maaari nang ma-enjoy ang laro kahit walang internet connection.
Malalaro ng libre ang Tongits Plus ngunit walang option upang maipalit sa totoong pera ang mga makukuhang premyo kapag nanalo sa paglalaro dahil ginawa ito bilang isang free game na libangan at hindi isang paying app. May mga in-app purchase ito upang ma-upgrade ang paglalaro at gawing mas kasiya-siya ang karanasan sa paglalaro.
Kung naghahanap ng paying app, maaaring subukan na lang ang Mega Win Club, kung saan makakapaglaro na ay magkakaroon pa ng tsansang manalo habang naglalaro at maipalit ito sa tunay na pera.
Features ng Tongits Plus
Ginawang mas challenging ang mga pagsubok ng laro dahil sa mas pinahirap na Artificial Intelligence (AI) na maaaring makalaban sa paglalaro. Maaaring lagyan at palitan ang Profile Picture gayundin ang Username para ma-personalize ito at mas madaling makilala ng mga kaibigan na naglalaro rin nito.
Maaaring mamili ng room base sa halagang gustong itaya. May kasamang animation speed ang settings ng laro, makikita rin dito ang option para mai-adjust ang sounds kasama na rin ang vibrations. Kung hindi maganda ang baraha ay may option para sa pag-rearrange ng manual o kaya ay auto sort.
Sa pag-login araw-araw ay makakakuha ng daily bonus at hourly bonus. Sa bawat pag-level up ay makakakuha rin ng bonus. Maaaring paramihin ang coins sa pag-imbita ng mga kaibigan o mga kakilala na maglalaro rin nito. Pinapayagan din ng laro na i-customize ang mga playing rooms ng naaayon sa kagustuhan ng manlalaro.
Gamitin ang buong galing at ilabas ang mga tinatagong estratehiya sa tongits upang mapasama ang iyong pangalan sa leaderboard. Kung baguhan pa lang sa larong tongits, ang Tongits Plus ay may simpleng tutorial sa loob ng laro upang mabilis na malaman ang mga dapat gawin sa laro at makapagsimula agad ng paglalaro.
Mechanics ng Tongits
Ito ay laro para sa tatlo. Maaaring makapaglaro laban sa mga AI o laban sa iba pang manlalaro. Gamit ang karaniwang playing cards bibigyan ng bangka ang bawat manlalaro ng tig-12 baraha at 13 naman para sa bangka. Ang matitirang baraha ay ilalagay sa gitna bilang bunutan. Sa bawat pagkakataong tumira, maaaring bumunot sa gitnang bunutan o kuhanin ang itinapong baraha ng kalabang naunang tumira.
Kailangang bumuo ng 3 o higit pang magkakapareho ng bilang o kaya naman ay magkakasunod ng bilang sa parehong suit o kilala din sa tawag na flush. Ang bawat manlalaro ay dapat makapagbaba ng kahit isa sa mga nabuo upang maging bahay. Kung walang naibaba at naubos na ang bunutan, idedeklara kang sunog at talo sa laro. Maaaring dugtungan ang naibaba na ng kalaban sa oras ng iyong pagtira (tinatawag din itong sapaw).
Ang unang makakaubos ng baraha ay siyang magdedeklara ng tongits. Kung walang nakaubos ng baraha ngunit naubos na ang bunutan, ang manlalarong may pinakamababang puntos ng baraha ang mananalo sa laro.
Tips sa Paglalaro ng Tongits
Ang paglalaro ng Tongits ay hindi lang nadadaan sa swerte na maganda ang naibigay na baraha sa iyo. Mas lalaki ang pagkakataong manalo kung gagamitan ito ng kaukulang taktika na makadaragdag din sa kasiyahan ng paglalaro.
Dahil ang pangunahing layunin dito ay maubos agad ang baraha mo o kaya naman ay magkaroon ng mabababang baraha, kailangang ayusing mabuti ang hawak na baraha. Pagtabitabihin agad ang mga baraha na may puro o malapit nang makabuo ng bahay. Ang mga baraha naman na walang pag-asang makabuo ay ihanda upang itapon. Ngunit bago ito itapon ay subukang pakiramdaman din ang hawak na baraha ng kalaban at baka ito ang hinihintay ng susunod sa iyo upang makabuo siya ng bahay.
Magbaba lang ng isang bahay at hawakan lang ang ibang nabuo upang hindi na ito madugtungan ng mga kalaban. Inspeksyuning mabuti ang mga bahay na naibaba ng kalaban at baka mayroon ditong maaari kang maidugtong upang makabawas sa iyong baraha.
Huwag ipapahalatang may mga buo kang itinatago. Panatilihin ang poker face at subukang mam-bluff ng mga kalaban. Maaaring hamunin ang kalaban ng pababaan ng hawak na baraha kung sa tingin mo ay ikaw ang may pinakamababang value ng hawak na baraha. Kung nagkataon naman na pareho ang total ng baraha mo sa hinamong kalaban, mananalo ang nanghamon. Nakadaragdag ito sa kasiyahan ng paglalaro lalo na kung ang mga kalaro mo sa Tongits Plus ay mga kaibigan o dati nang mga kakilala.
May ilang pagkakaiba ang laro depende sa mga napagkasunduan ng mga manlalaro at depende rin sa pinag-usapang taya at mga alituntuning napagkasunduan bago simulan ang laro.
Konklusyon
Sa modernong panahon ngayon, madali na ang maglibang dahil sa dami ng mga available na app. Kung noon ay kailangan mo pang maghanap ng makakalaro upang makapaglaro kayo ng tongits, ngayon ay makakapaglaro ka na kahit mag-isa dahil maaaring maglaro na ang kalaban ay ang AI ng computer.
Nakakatulong ito lalo na sa panahon ng ganitong pandemya kung saan mas mabuting manatili na lang sa bahay upang makaiwas na mahawa ng sakit. Kahit na makulong sa bahay o ma-quarantine ka man, magagawa mo pa rin makapaglibang at makapaglaro kasama ng mga kaibigan online.
Ang kagandahan sa mga larong online ngayon ay hindi na ito basta makakapaglaro ka lang kundi may pagkakataon na ring kumita kahit na paunti-unti. Ito ang mga play-to earn na app na naging popular na rin sa ngayon. Isa na rito ang Mega Win Club. Hindi lang Tongits ang malalaro sa app na ito, mayroon din itong Pusoy, Lucky 9, Sabong, at iba pang mga laro na kagigiliwang laruin lalo na ng mga mahihilig sa ganitong uri ng mga laro. Malilibang ka na, may pagkakataon ka pang kumita kahit na barya-barya. Kung iipunin ang mga mapapanalunang ito, maaari ring umabot sa malaki-laking halaga nang hindi mo namamalayan. Lahat naman ng malalaking bagay ay nagsisimula sa maliit. Samahan lang ng kaunting swerte at galingan ang diskarte sa paglalaro at siguradong di mo mamamalayan na dumaan na pala ang mahabang oras na naglalaro ka. A least, sulit ang oras dahil may mapapanalunan!