Ano ba ang Tongits War? Bakit marami ang nagsasabi na huwag itong laruin dahil ito ay isang scam lamang? Ang mga bagay na ito ang ating aalamin sa artikulong ito. Kung nararapat ba na laruin ang app na ito o hindi.
Ang Tongits War ay isang app na binubuo ng mga paboritong card games ng mga Pinoy. Kabilang sa mga ito ang Tongits, Lucky 9, Pusoy, Kulay kulay, Pusoy Dos, slot machine, at marami pang iba.
Ang app na ito ay dinevelop ng CodeTribe Labs na naglalayong magkaroon ng koneksyon ang mga OFW sa iba’t ibang bansa sa pamilya’t mga kaibigan nila kahit nasa malayo pa sila sa pamamagitan ng paglalaro ng paborito nilang card games o play tongits war online. Isa sa mga developer nito si Eric Asinas, proprietor ng indie game studio na CodeTribe Interactive. Nagtrabaho siya sa iba’t-ibang bansa sa Africa bilang telecoms engineer at doon niya natutunan ang karaniwang ginagawang libangan ng mga OFW tulad ng basketball, karaoke at Tongits na kadalasan ay halos hindi na rin nila magawa dahil sa sobrang dami ng trabaho. Ito ang nagsilbing inspirasyon sa pagdevelop ng app na ito.
Ipinakilala ito noong Disyembre 2010, at wala pang isang taon ay nakahakot na ito ng higit sa 100 thousand na manlalaro kahit na wala silang ads na inilabas para dito. Ngunit dahil free-to-play app itong inilabas, maraming pagsubok na kinaharap ng mga gumawa nito lalo na sa usaping pananalapi hanggang sa hindi na nakayanan at tuluyang nagpaalam ang laro.
Ngunit noong Marso ng taong 2015, nagdesisyon si Asinas na i-revive ang laro at dahil panahon na ng mga makabagong gadyet ay ginawa na itong play tongits war online. Kahit na naharap silang muli sa mga suliranin kung saan manggagaling ang resources na gagamitin sa patuloy na pag-develop ng app ay nailabas pa rin ang unang mobile na bersyon nito sa Google Play at App Store.
Mga Kailangan sa Paglalaro ng Tongits War
Maglibang ng paborito mong card game! Simulan ang Tongits War download sa Google Play para sa mga gumagamit ng Android device o kaya naman ay sa App Store para sa mga gumagamit ng iOs devices. Maaari rin itong laruin sa PC sa paggamit ng emulator para sa pag-download ng laro. Isunod agad ang Tongits War install pagkatapos na mai-download ang laro sa device upang magawa ang susunod na hakbang para malaro ito.
Upang makapagsimula ng paglalaro, kailangang bumili ng chip na gagamitin sa pagtaya. Ang pinakamadaling option na magagamit dito ay ang Gcash. Simulan ito sa pagpindot ng icon na Chip na may nakalagay na “Bumili ng Chip” at pumili ng halagang idedeposito sa account mo na gagamitin sa pagtaya. I-click ang halagang napili, kopyahin ang Ref Number na padadalhan, pindutin ang “continue” at ilagay ito sa kahon na may nakalagay na “Enter Ref Number here” at i-click ang confirm button. Awtomatikong papasok ito sa account at magagamit na ito sa paglalaro.
Sa pagwi-withdraw naman ng napanalunan, hanapin ang ang “Exchange” icon, pumili ng halaga, (ang bawat halaga ng pera ay may katumbas na bilang ng chip, kailangang makaabot ang bilang ng nakolektang chip at hanapin ang katumbas nito sa pagpipiliang halaga). Ipasok ang Gcash account number ng dalawang beses at i-click ang “Kumpirmahin”. Makikita ang mga transaction sa history ng app. Aabot ng mga kalahati hanggang isang oras bago ito pumasok sa Gcash account.
Paano Laruin ang Tongits War?
Pagkatapos ng Tongits War download at Tongits War install, maaari nang ma-enjoy ang paborito mong card games. Ang paraan ng paglalaro ay tulad din ng kung paano laruin ang mga tradisyunal na larong baraha.
Sa paglalaro ng Tongits, kailangan lang na ikaw ang maunang makaubos ng barahang naibigay upang makapagdeklara ng “tongits” o kaya naman ay kailangang maging pinakamababa ang iyong baraha sakaling maubos na ang bunutang baraha sa gitna. Huwag ding kalimutan na magbaba ng bahay upang hindi matalo sa laro.
Ang Pusoy at Pusoy Dos ay halos magkatulad ng mechanics, ang kaibahan lang ay sa Pusoy Dos, ang numerong 2 ang siyang may pinakamataas na halaga sa larong ito.
Sa Lucky 9, kailangang makakuha ng card na may kabuuang bilang na 9 o malapit sa numerong ito upang manalo sa laro.
Marami pang ibang laro na matatagpuan sa app na ito at katulad ng nabanggit, ang paraan ng paglalaro ng mga ito ay kahalintulad lang sa kung paano ito laruin sa tunay na baraha na gagawin lang sa paraang online.
Related Posts:
Tongits Fun: Nakakatuwa Kaya Talagang Laruin?
Pusoy Way Casinos online game app gcash 2022 free download
The big payback slots Casinos online game app gcash 2022
Komento ng mga Nakapaglaro na ng Tongits War
Iba’t iba ang karanasan ng mga taong gumamit na ng app na ito. May mga ilang nagsasabi na maayos naman ang app, nakapaglibang, nakapaglaro, at nakuha nila ang mga napanalunang chip.
Gayunpaman, may mga hindi magandang komento rin tungkol sa laro. May nagsasabi na ito ay isang scam. Pagkatapos bumili ng chip, tumaya at manalo ay na-log-out at hindi maka-log-in ng halos isang oras at pagbalik niya ay wala na ang lahat ng chip. May mga insidente rin ng pagbili ng chip at hindi pumapasok sa account. May mga ilang withdrawal na hindi pumapasok sa Gcash account.
Konklusyon
Ang Tongits at iba pang mga card games ay mistulang isang institusyon na na nakasanayan at dala-dala ng bawat Pinoy saan man magpunta. Maging ito man ay libangan lang o ginagamitan ng tunay na pera ito ay karaniwang nakapagbibigay kasiyahan lalo na sa panahon ng kalungkutan o pagkabagot.
Download Mega Win Club
Download Mega Win Club on Android
Download Mega Win Club on iOS
Download Mega Win Club Apk
Kasabay ng modernisasyon, maraming mga app ang nagsusulputan sa ngayon. Kailangang maging maingat sa pagpili ng mga gagamiting app lalo na kung ito ay ginagamitan ng tunay na pera. Laganap na rin sa ngayon ang mga scammer at mga manloloko sa internet dahil na rin sa napakadaling access dito ng kahit sino. Kailangan ang ibayong pag-iingat upang hindi madale ang pinaghirapang pera na sa halip na magagamit para makapaglibang o kumita ng extra kahit kaunti ay makuha pa ng iba. Laging magsaliksik muna at magbasa ng mga artikulo tungkol sa nais subukang laro upang malaman kung ano ang mga naging karanasan ng naunang nakagamit na nito.
Gumamit ng mga subok nang app tulad ng Mega Win Club. Ito ay app na mayroong mga card games tulad ng Pusoy, Lucky 9, Sabong. Sa paggamit ng mga subok nang app, mas magiging kampante sa paglalaro at hindi mangangamba na mawala ang perang pinaghirapan at hindi man lang nagamit. Makakaiwas din sa mga virus at pishing kung ang mga app na gagamitin ay subok na at kilala ng marami.
Sa bandang huli, ikaw ang magpapasya kung aling app ang gustong laruin, at gaya ng madalas sabihin, hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan. Ngunit sa pagsubok, mas mabuti na gumamit ng pinakamaliit na halaga upang hindi maging masakit sakali mang ito ay mawala.