Ang Pusoy ay isang larong baraha na matagal nang nilalaro sa mga komunidad sa Asya mula pa noon. Nagsimula ito bilang larong libangan lang ngunit kalaunan ay ginamitan na ng taya ang paglalaro nito at lalo naman itong naging popular dahil dito. Sa paggamit ng mga Pusoy tricks, mapapataas ang pagkakataon para sa mas madalas na panalo.
Para makapaglaro nito, pangunahing kaalaman lang sa tamang pagsasaayos ng mga baraha ang kailangan, samahan pa ito ng swerte at kahit na baguhan ay maaaring manalo dito.
Pusoy Tricks Para sa Paglalaro ng Pusoy
Ito ay karaniwang nilalaro ng apat na manlalaro. Maaari rin namang laruin ng 3 o 2, itatabi na lang ang sobrang set ng barahang tig-13. Aayusin lang ito ng 3 set. Tatlo sa ibabaw, lima sa gitna, at lima rin sa ibaba. Pinakamataas na value ng barahang lima ang sa ibaba, kasunod ang nasa gitna, at ang tatluhan naman ay maaaring trio, isang pares at isang mataas na baraha o simpleng tatlong baraha basta ang isa dito ay mataas ang value.
Ang pinakamataas na baraha ay Alas, King, Queen, 10 pababa hanggang sa 2. Ang pinakamataas na set ng limang baraha ay ang royal flush o ang magkakasunod na numero na may magkakaparehong suit.
Kapag nakapag-ayos na lahat ng baraha, isa-isang tatanungin kung lalaban ba o hindi ang bawat isa. Pagkatapos ay ipapakita nang lahat ang kanya-kanyang baraha upang malaman kung kaninong baraha ang may pinakamataas.
Related Posts:
Geisha Slot Machine Big Win: Napipintong Panalo sa 94.9% RTP
Free Slots Big Win Casino: Makakapagbigay ba ng 2x na Panalo?
Playboy Slot Machine Big Win: alam mo lahat dito!
Pusoy Tricks
Ang pusoy ay isang masaya ngunit mabilis na laro. Kailangang maiayos ng maganda sa pinakamabilis na oras ang nakuhang baraha. Upang makatulong mapaganda ang laro, makakabuting tandaan ang mga sumusunod na pusoy tricks:
- Iwasan ang maling pagkakaayos ng baraha.
Sapagkat ang mga baraha ay kailangang ayusin ng mabilis at maikli lang ang nakalaang oras para magawa ito, kahit ang mga bihasa na sa paglalaro nito ay nagkakamali pa rin paminsan-minsan. Sa pagkakamali ay magkakaroon na agad ng kalamangan ang kalaban sa iyo kaya bago magbaba ng baraha, siguraduhing na-check ng mabuti ang pagkakaayos nito. Subukang paglabanin ang nasa ilalim at nasa gitnang baraha upang malaman kung tama ang pwesto nito gayundin ang nasa gitna laban sa nasa itaas na baraha.
- Subukang maka-scoop at iwasang ma-scoop ng kalaban.
Scoop o scooping ang tawag sa pagkakapanalo ng 3 set ng baraha sa pusoy. Bawat set na maipapanalo ay may katumbas na puntos at depende sa lakas ng barahang hawak mo. Sa paglalaro ng pusoy, ang pangunahing dapat na isaisip ay kung paano makaka-scoop at maiiwasang ma-scoop ng mga kalaban. Para magawa ito, subukang maglagay ng pinakamalakas na baraha sa isang posisyon kaysa sa gawing pantay pantay ang lakas ng tatlong set. Ang pagkakaayos nito ay depende sa makukuhang baraha. Ang trio ay mahina kung ilalagay sa ibaba ngunit malakas kung sa itaas. Ang full house ay hindi masyadong malakas sa ibaba ngunit malakas kung nasa gitna.
- Paghihiwalay ng pares
Kung magkakaroon ng dalawang pares at isang set ng straight, mas mabuting paghiwalayin ito upang mas maging malakas ang baraha. Ang pares sa itaas na baraha ay mas mataas kaysa sa dalawang pares na magkasama sa gitna. Ngunit kung ang natitirang baraha ay maganda gaya ng AKQ o malapit dito, maaaring ilagay na ang dalawang pares na ito sa gitna at gamitin ang magandang baraha sa itaas.
- Paghihiwalay ng full house
Mas maganda bang pagsamahin ang full house o paghiwalayin? Depende ito sa value ng full house na mayroon ka. Halimbawa nito ay kung 222QQ ang full house mo, hindi malakas ito kung ilalagay sa gitna ngunit ang QQ ay malakas kung ilalagay sa itaas na baraha. Subalit kung mababaligtad ito at magiging QQQ22, magiging malakas ito sa gitna at kung ilalagay ang 22 sa itaas ay halos wala itong laban sa pag-scoop ng kalaban kaya mas mabuting panatilihin itong full house. Laging tandaan na kung anuman ang ilalagay na baraha sa gitna dapat ay kaya nitong talunin ang nasa itaas.
- Pag-isipan ang magiging ayos ng baraha ng kalaban
Sa pag-aayos ng baraha, subukang isipin ang mga posibleng maging baraha at ayos ng baraha ng kalaban base sa nakuhang mga baraha. Ilaban ito sa sa barahang hawak upang maisaayos ito sa pinakamataas na posibleng maging value nito. Maaaring tandaan ang mga naging ayos ng baraha nila sa naunang mga laro at tingnan ang pattern ng pag-aayos nila. May mga manlalaro na iisa ang istilo ng pag-aayos at hindi ito iniiba-iba. Kung may makakalarong ganito, madali itong mapaghahandaan.
- Iba-ibahin ang istilo ng pag-aayos.
Iwasang magkaroon ng pattern ang istilo ng pag-aayos ng baraha. Tandaan na tinitingnan mo ang pattern ng pag-aayos ng baraha sa paglalaro ng kalaban kaya hindi malayong ganoon din sila sa iyo. Gumamit ng magkakaibang istilo at paraan upang mas mahirapan silang mabasa ang magiging ayos ng iyong baraha.
- Magsanay muna sa free games.
Bago sumabak sa larong ginagamitan ng totoong pera, magsanay muna ng paglalaro sa mga free games. Maraming mga online casino na may inaalok na free games upang masubukan muna ang mga larong mayroon sila. Gamitin ito upang makapagsanay muna at maranasan muna ang pakiramdam habang naglalaro upang maging mas pamilyar na sa laro.
- Gamitan ng simpleng aritmetik.
Kung paboritong subject mo ang math, makakatulong kung gagamitan mo ito ng simpleng aritmetik. Gumawa ng kalkulasyon sa bawat maiisip na maaaring maging ayos ng baraha ng kalaban upang malaman kung saang set ka may dapat ayusin o pagpalitin. Hindi man maging eksaktong eksakto ang makalkula sa pusoy tricks na ito, makakatulong pa rin itong mapataas ang value ng pagkakaayos ng iyong baraha.
Download Mega Win Club
Download Mega Win Club on Android
Download Mega Win Club on iOS
Download Mega Win Club Apk
Konklusyon
Ang pusoy tricks na nabanggit ay ilan lamang sa mga bagay na maaaring magamit upang mapataas ang pagkakataong manalo sa paglalaro ng pusoy. Ang palagiang paglalaro nito ay isa ring mabisang paraan upang mahasa nang mabuti sa larong ito.
Maaaring makapaglaro nito sa Mega Win Club pati na rin ang marami pang card games, slots at iba pang mga larong kinagigiliwang laruin libre man ito o ginagamitan ng totoong pera bilang pantaya.
Sa kahit na anong lalaruin, mas mabuti na hindi lang nakapokus sa pagkakaroon ng panalo sa laro kundi sa kasiyahang maibibigay ng paglalaro. Mas tumataas din ang tsansa ng pagkapanalo kung ang manlalaro ay relaxed lang at hindi masyadong stressed habang naglalaro. Upang hindi maging stressed sa pagpipilit na manalo sa bawat laro, tumaya lang ng naaayon sa badyet na inilaan para sa paglalaro.