PSO2 Win Big Rappy Slots – Nitong Hindi Dapat Palampasin!

ng Phantasy Star Online 2 ay isang massive multiplayer game na gawa ng kilalang Japanese game publisher na Sega. Ang pangunahing layunin sa larong ito ay ang makipagsapalaran sa isang mahiwagang mundo at sugpuin ang kampon ng Dark Falz. Bilang miyembro ng ARKS o Artificial Relict to Keep Species, ang mga manlalaro ay may mahahalagang papel na gagampanan sa pagpapalaganap ng kapayapaan sa kalawakan. Hindi lang isang pangkaraniwang action game ang PSO2 Win Big Rappy Slots. Bukod kasi  sa exciting nitong gameplay, pwede ka ring maglaro ng casino games na itinatampok sa larong ito.

Lili Roulette sa PSO2 Win Big Rappy Slots

Ang Lili Roulette ay isang roulette game kung saan pupusta ka sa mga kulay at numero. Kung naranasan mo nang maglaro ng betu o color game ay maihahambing mo ang larong ito rito. Ang kaibahan lang ay gumagamit ito ng roulette wheel na ipinapaikot at maaari kang pumili kung saang numero o kulay ka pupusta. Isang mahalagang tip sa larong ito ay ang pagtaya sa dalawang kulay dahil mas ligtas dito. Kapag tumama ang isa man sa tinayaan mo ay makatatanggap ka ng 9x ng iyong pusta. Kung gusto mo namang manalo ng mas malaking halaga, kailangan mong tumaya sa parehong kulay at numero. Tandaan lang, mas malaki man ang premyo rito ay mas malaki rin ang tsansa mong matalo. Lalago ang iyong pusta ng 15x. Kapag sa mga numero ka naman tumaya, mananalo ka ng 45X ng iyong taya.

pso2 win big rappy slots
pso2 win big rappy slots

May dalawang Lili Roulette na makikita sa PSO 2 at ang mga ito ay nakapwesto sa dalawang magkaibang lokasyon. Hanapin lamang ang isang roulette wheel na may sticker ni Lilipan. Pwede ka ring gumawa ng ibang bagay habang tumataya sa roulette wheel. Ang halagang iyong napanalunan at naipatalo ay direktang madadagdag o maibabawas sa iyong pondo. 

Mesetan Shooter

Isa namang gallery shooter game ang Mesetan Shooter. Ito ay iyong malalaro kasama ang dalawa mo pang mga kaibigan. Ang inyong pangunahing layunin dito ay barilin at patumbahin ang mga mesetan at makaipon ng maraming cc. Ang una mong dapat gawin ay pumunta sa Casino Lobby at pumili lamang ng gusto mong game mode. May dalawang mode rito na pwede mong pagpilian, ang Bronze at Silver Mode. Kung maliit ang iyong puhunan ay mas mabuting sa Bronze Mode ka maglaro, mas mababa ang kinakailangang taya rito kung ikukumpara sa Silver Mode. Subalit, mababa rin ang halaga ng cc dito. Kung matapang ka naman at may sapat na puhunan ay pwede mo namang laruin ang Gold Mode. Pakatandaan lang na kahit mas malaki ang payout sa larong ito, hindi ka basta-bastang mananalo.

Mayroong tatlong uri ng mesetan sa larong ito: bronze, silver, at gold mesetan. Nagkakaiba ang halaga ng mga ito at syempre mas mataas ang halaga ng gold na mesetan. Ang bawat paglitaw ng mga mesetan sa isang partikular na oras ay tinatawag na wave. Upang mapatumba ang mga mesetan ay dapat mo silang barilin hanggang masira. Pagkatapos ay lilitaw ang mga cc, at kailangan mong pagalawin ang iyong Catcher at saluhin ang lahat ng nahuhulog na cc. Kung gusto mo ng maraming payout ay pwede kang mag-focus sa pagtalo sa mga silver at gold mesetan. Mas mainam ding gumamit ka ng power ups kaysa mga bomba. Mas lalaki rin ang iyong kikitain kapag mas marami kayong naglalaro, kaya imbitahin ang iyong mga kaibigan. 

Related Posts:

Li’l Red Slot Machine Big Win: Ang Bagong Bidang Slot sa 2022

Massive Slot Wins 2022: Top 8 Jackpot Wins sa Kasaysayan

Flintstones Slot Machine Big Win: 3 Tips Para Manalo

Black Nyack

Ang Black Nyack naman ay isang uri ng card game. Kailangan mong manalo laban sa dealer sa larong ito. Mananalo ka ng cc kapag nakapili ka ng cards na may halagang malapit sa 21. Dapat ding hindi lumagpas ang iyong total card value sa dealer. Mababa lang ang tayang kailangan dito, 10 hanggang 50 cc. Bibigyan ng dealer ang bawat manlalaro pati na ang kanyang sarili ng tig-dalawang baraha. May tatlo kang pagpipilian kung sakali: hit, stay, at double down. Sa hit option, pwede kang humingi ng isa pang baraha sa dealer nang hindi nalalaman ng iba. Habang kapag pinili mo naman ang stay, ibig sabihin ay kuntento ka na sa iyong baraha. Kung double down naman ay dodoblehin mo ang iyong taya subalit, kailangan mong kumuha pa ng isang card. Mas magandang laruin ang Black Nyack kapag marami kang kasama. 

pso2 win big rappy slots
pso2 win big rappy slots

Arkuma Slot

Pangalawa ang Arkuma Slot sa may pinakamalaking premyo rito sa PSO2 Win Big Rappy Slots. Maaari mo lang itong laruin kapag nakaipon ka ng 1500 cc. Ang bawat pusta rito ay tumataginting na 500 cc. Napakahalaga rin ng slot na pipiliin mo dahil may mga slot dito na nagpapalabas ng iyong kalaban. Kahit na sabihing nakakalibang ang paglalaro ng slot na ito, hindi madaling manalo rito kaya lugi ka pa rin kung sakali. Kaya naman, hangga’t maaari laruin lang ito paminsan-minsan.

pso2 win big rappy slots
pso2 win big rappy slots

Rappy Slots

Kumpara sa Arkuma Slot ay mas mababa naman ang taya sa Rappy Slot – 1cc hanggang 5 cc lang. Nakadepende ang payout dito sa kung anong simbolo ang bubuo sa winning combination. Malaki rin ang posibilidad na makakuha ka ng higit sa isang panalo. Sa ganitong paraan ay mas madaragdagan ang iyong panalo sa PSO2 Win Big Rappy Slots. May mga special event ding nagaganap habang naglalaro ka ng slots tulad ng Slot Door, Running Rappy, Rappy Stampede, Falling Rappy, at Falling Rappy Stampede. Maging mapanuri sa pagpili ng slot na lalaruin mo dahil magkaiba ang payout at bonus rates ng mga ito. 

pso2 win big rappy slots
pso2 win big rappy slots

Konklusyon

Kung pinaghalong aksyon at saya ng casino games ang hanap mo, siguradong swak sa’yo ang Phantasy Star Online 2. May limang mini-games kang mapagpipilian dito, may mga slots game at may card games din. Ang mga cc na iyong mapapanalunan ay magagamit mo sa upgrade ng iyong karakter sa laro. 

Sa kabilang banda naman, magandang alternatibo rin sa paglalaro ng gambling games ang Mega Win Club. Marami kang pagpipiliang casino game rito tulad ng mga card game at slots. Pwede ka ring maglaro at kumita ng totoong pera rito. Kung gusto mo namang maglaro ng libre ay pwede rin. Hindi mo na kailangan pang pumunta sa pisikal na casino dahil gamit ang iyong computer o mobile device, maa-access mo na ang Mega Win Club

Download Mega Win Club
Download Mega Win Club on Android
Download Mega Win Club on iOS
Download Mega Win Club Apk

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *