Pusoy 2 Online Game: Paraan ng Paglalaro

Isa ang Pusoy Dos sa mga kinagigiliwan nating laro mula noon hanggang ngayon. Isang mabilis at nakakalibang na laro may taya man o wala. Nakakatuwa at may available na ngayong Pusoy 2 online game sa internet at maging sa mga mobile app. Mas madali na ang access sa paglalaro nito at maaari na itong malalaro kahit saan o kailan.

Ang layunin sa larong ito ay unang makaubos ng barahang hawak. Malalaro ito ng 2, 3 o hanggang apat na manlalaro gamit ang pangkaraniwang 52-deck na baraha. Ang mga set ng baraha na bubuuin dito ay may hawig din sa Pusoy ngunit ang pinakamataas dito ay Dos kung kaya’t pinangalanan itong Pusoy Dos. Ang isa pang kaibahan ay hindi sabay-sabay na ibababa ang lahat ng barahang hawak sa paglalaro nito. 

Paglalaro ng Pusoy 2 Online Game

Ang laro ay magsisimula sa pagtira ng manlalaro na may hawak na 3 of clubs. Maaari nya itong itira na isang baraha o samahan ng set basta’t kailangang kasama ang 3 of clubs. Sunud-sunod lang at paikot na titira. Kailangan na ang ay ititira ay mas mataas kaysa sa itinira ng naunang manlalaro. Kung walang maititira ang isang manlalaro, maaari siyang mag-pass. Magpapatuloy lang ang pag-ikot ng tira hanggang sa may makaubos ng baraha. Ang unang makakaubos ang siyang mananalo sa laro.

pusoy 2 online casino game
pusoy 2 online game

Ang pagkakasunud-sunod ng suit ng baraha mula sa pinakamataas hanggang sa pinakamababa ay diamonds, hearts, spades at clubs. Sa numero naman, ang pinakamataas ay 2, sinundan ng alas, king, queen, jack, at susunod ang 10 hanggang sa numerong 3.

Kumbinasyon ng mga Barahang Gagamitin

Singles ang mga baraha na walang mabubuong kumbinasyon at hindi maisasama sa isang set para sa pagtira. Isahan lang ito kung ibababa. 

Doubles o tinatawag ding pares. Ito ay binubuo ng dalawang magkaparehong baraha. 

Trio naman ang tatlong magkakaparehong baraha.

Quadro para sa apat na magkakaparehong baraha na sasamahan ng isang single.

pusoy 2 online casino game
pusoy 2 online game

Ang Full house naman ang nangangailangan ng kumbinasyon ng trio at pares para makabuo ng isang set. Ang taas ng baraha ay ibabase sa kasamang trio kaya maaaring maglagay lang ng mababang pares na kasama ng trio dito upang magamit pa ang mas mataas na pares sa ibang paraan o pagtira.

Straight ang kumbinasyon ng limang baraha na may magkakasunod na numero sa magkakaibang suit.

Flush ang kumbinasyon ng limang baraha na magkakapareho ng suit kahit na hindi magkakasunod ang numero nito.

 Royal flush ang kumbinasyon ng sunud-sunod na numero sa iisang suit.

Related Posts:

52Fun Pusoy: Paglalaro ng Mas Mahusay

Pusoy Uno: 100% Sure Tips para Manalo Dito

Big Banker Slot Big Win: Bakit Hindi mo ito Dapat Palampasin Ngayong 2022?

Tips at Tricks sa Paglalaro ng Pusoy 2 Online Game

Ayusin ang baraha sa pinakamataas na ayos na maaaring kalabasan nito upang maiwasang makapag-pass sa bawat oras para tumira. Bawat pagkakataong tumira ay mahalaga upang makabawas ng baraha.

Sikaping makabuo ng mga kumbinasyon hanggang maaari at mas kaunti ang matitirang single, mas mabuti. Kadalasan ay mga buo ang ititira ng kalaban kaya mas mabuti na magpokus sa matataas na kumbinasyong maaaring mabuo sa nakuhang baraha.

pusoy 2 online casino game
pusoy 2 online game

Sa isang banda, huwag ipilit ang sobrang taas na kumbinasyon kung ang ibang maiiwan na mabubuo naman ay masyadong mababa. Mas magiging malakas ang hawak na baraha kung hahatiin ito sa paraang walang magiging sobrang baba ang value. Tandaan na umiikot ang paraan ng pagtira kaya kung may maiiwang mababang baraha ay baka mauwi sa pag-pass. 

Unahing itira ang mga mababang baraha dahil kapag nagsunud-sunod na ang tira ng mga kalaban ay pataas na ito ng pataas at maaaring hindi na maisingit ang mabababang baraha. Magiging sanhi ito ng pag-pass at masasayang ang pagkakataong tumira at makapagbawas ng baraha.

Ang mga larong tulad ng Pusoy Dos ay kailangang gamitan ng matalas na pakiramdam. Importanteng mahulaan ang hawak na baraha ng mga kalaban base sa barahang nakuha upang makagawa ng tamang estratehiyang gagamitin laban sa kanila. Kailangang mapagplanuhan din kung paanong magiging mas mataas ang ibababang baraha ng madalas upang magawang mapag-pass sila at makabalik agad sa iyo ang ikot hangga’t maaari upang mas mabilis maubos ang hawak na baraha. 

Magpabago-bago ng paraan ng paglalaro. Iwasang makabuo ng pattern lalo na kung may paboritong kumbinasyon. Kailangang maging maingat din dahil kung binabasa mo ang baraha ng kalaban ay siguradong ganun din sila sayo dahil mag-iisip din sila ng paraan upang matalo ka. Hindi dapat makapagbigay ng ideya sa kalaban ng magiging baraha mo upang hindi nila mapaghandaan ang ititira mo.

Kung magagawa mo rin ay maaaring i-bluff ang kalaban na paniwalain silang mababa ang baraha mo o kaya naman ay lubhang mataas. Maaaring ibahin nila ang estratehiya dahil dito na pwedeng maging pabor para sa iyo. Makakatulong din ito upang magbigay sa kanila ng kalituhan at mawawala ang pokus nila sa paglalaro. 

Maghanap ng mga libreng laro ng Pusoy 2 online game sa internet o apps upang makapagsanay sa paglalaro at maging pamilyar sa mga gagawin sa paglalaro lalo na kung baguhan pa at magsisimula pa lang maglaro nito. Karaniwang may mga nag-aalok ng libreng laro online upang masubukan ito bago magsimula ng larong ginagamitan ng taya.

Konklusyon

Masayang laruin ang Pusoy 2 online game lalo na kapag nagpa-pass ang kalaban at wala silang maitira. May mga pagkakataon pang dere-deretsong at wala silang maititira hanggang maubos mo na ang baraha mo kapag sinuwerteng maganda ang nakuhang baraha.

Ang larong ito ay nilalaro gamit ang magkahalong swerte, tamang diskarte sa pag-aayos ng baraha at talas ng pakiramdam sa hawak na baraha ng kalaban upang mabilis na maubos ang baraha at manalo.

Ang Mega Win Club ay nag-aalok ng larong ito kasama ang iba pang Pusoy games, gayundin ang iba pang kilalang card games, slots at marami pang mga sikat at paboritong laruin ng mga tumatangkilik ng online casinos.

Download Mega Win Club
Download Mega Win Club on Android
Download Mega Win Club on iOS
Download Mega Win Club Apk

Ang pagkakaroon ng mga online casino sa internet at app ay isang magandang option para sa mga manlalaro nito dahil hindi na nila kailangang pumunta sa mga land-based casino para lamang maglaro. Nagbibigay din ito ng pagpipilian kung gustong maglaro ng libre o gumamit agad ng tunay na pera sa mga platform na ito. Kailangan lang na maging maingat sa mga ginagamit sa platform upang makaiwas sa mga scam o phishing na laganap sa internet. Iwasan din ang pag-click basta basta ng mga link lalo na kung mga unsolicited o kaduda-duda ang pinanggalingan nito. 

Maging mapanuri, gumawa ng sariling pagsasaliksik at pag-aralan muna ang mga laro bago magdeposito ng pantaya upang mas maging masaya ang karanasan sa paglalaro.

Mega Win

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *