Pusoy Uno: 100% Sure Tips para Manalo Dito

Ang Pusoy Uno o Chinese Poker ay isang card game na kilala sa buong Asya at maraming bahagi ng mundo. Marami ang nahuhumaling sa larong ito dahil sa kapanabik-nabik nitong gameplay gamit ang mga baraha. Ang game mechanics ay gumagamit ng mathematical concepts kaya naman may mga subok ng estratehiya na magagamit para manalo rito. Hindi ito isang uri ng larong sugal na umiikot sa konsepto ng purong swerte lamang. May malaking papel ding ginagampanan sa pagkapanalo ang kaalaman at diskarte ng manlalaro. 

Ano ang Game Mechanics ng Pusoy Uno?

Ang pangunahing layunin ng mga manlalaro sa larong ito ay ang magkaroon ng mas malakas na grupo ng mga baraha o cards laban sa hawak ng kalaban. Ang game mechanics ay tungkol sa pag-aayos ng hawak na cards. Bilang baguhan, kailangan mo talagang isaisip ang mga kumbinasyong ginagamit dito upang makabisado mo kung papaano aayusin ang iyong cards. Ang bawat uri ng baraha ay may kaakibat na puntos. Ang sumusunod ay ang ayos ng mga baraha mula sa pinakamataas na ranggo hanggang sa pinakamababa: A, K, Q, J, 10, 9, 8, 7, 6, 5, 4, 3, 2. Pagdating naman sa card suits, ang Diamond cards ang may pinakamataas na ranggo, sunod ay ang Hearts, pangatlo ang Spade at panghuli ang Club cards. Samakatuwid, ang diamond ace card (A) ang pinakamataas na baraha rito at ang No. 2 spade card ang may pinakamababang value. Ang mga level naman ng kumbinasyon ng mga baraha ay nahahati sa sampu. Ang pinakamataas na kumbinasyon ay ang tinatawag na Royal Flush at ito binubuo ng limang magkakasunod at magkaparehong card suits ang K, Q, J, 10 at A. Ang mga sumusunod ay mga kumbinasyon na nakaayos mula sa may pinakamataas hanggang sa pinakamababang puntos: Straight Flush, Four of a Kind, Full House, Flush, Straight, Three of a Kind, Two Pairs, at One Pair.

pusoy uno casino online
pusoy uno

Sa card game na ito, ang bawat manlalaro ay makakatanggap ng 13 cards mula sa card deck. Kailangang ayusin sa tatlong set o tinatawag na poker hands ang mga ito. Ang dalawang set sa ilalim ay mayroong limang baraha, tinatawag itong ‘middle’ at ‘back’. Ang nasa itaas ay tinatawag na ‘front’ at ito ay may tatlong baraha lamang na posibleng makabuo ng tatlong kumbinasyon – ang Three of a Kind, One Pair, at High Card. Ang ‘back’ ay ang dapat na may pinakamataas na kumbinasyon habang ang pinakamababang kumbinasyon ay ang ‘front’. Kailangang tapusin ang pag-aayos ng cards sa takdang oras. Pagkatapos, ipapakita ng mga manlalaro ang kanya-kanyang mga baraha nang sabay upang makilatis kung sino ang panalo.

Ang Dalawang Uri ng Point System na Ginagamit sa Laro

Bago magsimula ang laro, ang mga manlalaro ay magdedesisyon muna sa halaga ng pusta. Ang napagkasunduang halaga ay tinatawag na ‘units’. Batay sa panuntunan ng laro, makakakuha ang mga manlalaro ang isang ‘unit’ ng kalaban na may mas mababang ‘front’, ‘middle’, o di kaya ay ‘back’. Sa paraang ito, kahit na pangalawa ka lang sa may pinakamataas ay panalo ka pa rin. 

pusoy uno casino online

May dalawang point system na ginagamit sa Pusoy Uno. Ang una ay ang bersyon ng mga Pinoy na gumagamit ng 1-6 na point system. Ayon dito, ang mga manlalaro ay makakatanggap ng isang unit sa bawat poker hands na kanilang mapapanalunan. Ang pangalawa ay gumagamit ng royalties o bonus. Ito ay ibinibigay sa manlalarong may pinakamataas na poker hands. Ang itinuturing na royalty sa front ay ang three-of-a-kind at ito ay may kaakibat na limang units. Habang sa middle naman ay ang mga Full House (3 units), Four of Kind (14), Straight Flush (18), at Royal Straight Flush (22). Ang sa back naman ay ang Four of Kind (7), Straight Flush (9), at Royal Straight Flush (11). Bukod dito may isa pang uri ng royalties na tinatawag na ‘naturals’. Ito ay ibinibigay sa mga manlalaro kapag may sumuko o kaya ay hindi nakapag-set ng kanilang poker hands. 

Related Posts:

Big Banker Slot Big Win: Bakit Hindi mo ito Dapat Palampasin Ngayong 2022?

PSO2 Win Big Rappy Slots – Nitong Hindi Dapat Palampasin!

Elephant King Slot Big Win: 100% Legit Paying Slot

Ano ang mga Dapat Tandaan upang Manalo?

Para manalo sa larong ito kailangan mong maging mapagmatyag sa galaw at estratehiya ng iyong mga kalaban. May iba’t ibang istilo ang bawat manlalaro sa Pusoy Uno at isang malaking kalamangan kapag alam mong basahin ito. Pwede mong alamin ang kahinaan ng kanilang mga baraha at gamitin ito para palakasin ang sa’yo. Kung sakaling mayroon kang parehong straight at two pairs, mas makabubuti na hatiin mo ito sa dalawa, ilagay ang isang pares sa front at isa rin sa middle, upang ang parehong posisyon ay iyong maibalanse. Kapag kasi nilagay mo ang dalawang pares sa middle ay magiging mahina ang iyong front.

pusoy uno casino online
pusoy uno

Kung may apat ka namang pairs, mas mainam na ilagay mo ang pangalawang pinakamataas na hands sa front. Ito ang magsisilbing matibay na proteksyon laban sa “scoop”. Ang scoop ay tumutukoy sa variant ng karagdagang unit kapag naipanalo ng manlalaro ang tatlong hands. Kung mahina ang iyong cards at hindi mo naman kayang mang-scoop ng kalaban, kailangan mong protektahan ang iyang hands na ma-scoop ng kalaban. Magagawa mo ito sa pamamagitan ng pagpapalakas ng isang hand lamang imbes na tatlo. At ang isa sa pinakamahalagang tip ay hangga’t maaari iwasan mo ang mga walang bisang hands at palaging i-double check ang pagkakaayos ng iyong baraha.

Konklusyon

Ang Pusoy Uno ay hindi simpleng laro lamang. Ang game mechanics nito ay medyo kumplikado lalo na sa mga baguhan sa larangan ng card games. Subalit, ang kailangan mo lamang gawin ay pag-aralan ito at isaulo ang mga kumbinasyong ginagamit. Kapag nasanay ka sa paglalaro, tiyak na masisiyahan ka sa aliw na dulot nito. Hindi naman nakakapagtaka kung maraming nahuhumaling dito. Bago ka sumabak sa aktwal na larong may pusta, pwede ka ring magsanay muna sa pamamagitan ng libreng Pusoy apps o pakikipaglaro sa mga kaibigan. 

Kapag handa ka na sa totoong labanan, pwede mong hanapin online ang Mega Win Club. Pwede kang maglaro ng Pusoy at iba pang mga casino games tulad ng Poker, slots, at iba pa, laban sa mga manlalaro mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Bukod pa sa mga tampok nitong libreng mga laro, pwede ka ring tumaya gamit ang totoong pera at manalo ng malaking halaga.

Download Mega Win Club
Download Mega Win Club on Android
Download Mega Win Club on iOS
Download Mega Win Club Apk

Mega Win

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *