Elephant King Slot Big Win: 100% Legit Paying Slot

Mahilig ka bang magbabad sa init ng araw? Sa Elephant King Slot Big Win, mararanasan mong makipagsapalaran sa mainit na disyerto ng Sahara. Ang slot game  na ito ay hatid ng IGN o International Game Network, isang kumpanyang batikan sa larangan ng casino games. Kung naghahanap ka ng online slot na pwedeng mapaglibangan at mapagkakitaan, baka ito na ang hinahanap mo. Sa panahon ngayon, hindi mo na kailangan pang pumunta sa aktwal na casino dahil pwede mo na itong i-access online. Higit sa lahat, nakaka-enganyo rin ang kwento at tema nito. 

Bilang manlalaro, ikaw ay makikipagsapalaran kasama ang haring elepante at kanyang mga tropa para hanapin ang nakatagong yaman sa napakalaking disyerto. Ang mga simbolong makikita mo rito ay hango sa iba’t ibang hayop tulad ng usa, zebra, rhino at iba pang talagang kukumpleto sa iyong karanasan. May mga ginamit din ditong simbolo ng card games tulad ng diamond, spade, heart, blue orb at iba pa. Ang backdrop ng slot machine nito ay isang larawan ng luntian at mayabong na savanna. Ang 3D graphics at animation nito ay de-kalidad kaya naman damang-dama mo talagang parang nasa ibang bahagi ka ng mundo. Ito ay gumagamit din ng HTML 5 na teknolohiya kaya naman hindi mo na kailangan pang maghintay nang matagal. Maaari mo ring laruin ang mobile version nito gamit ang kahit anong device. 

Mga Feature ng Elephant King Slot Big Win

Ang online slot na ito ay may 5 reels at 40 paylines. Ang payout dito ay nakadepende sa halaga ng iyong taya at kung ano at ilan ang simbolong lumalabas. Kaya naman dapat mong tandaan ang katumbas na halaga ng bawat simbolo at ang mga panalong kumbinasyon. 

elephant king slot big win 1
elephant king slot big win 1

Bukod sa mga regular na panalo, may karagdagang bonus at rewards pang pwedeng makuha ang mga manlalaro gaya ng free spins, coin payouts, libreng spins, at retriggered spins.

Wild at Scatter Symbol 

Magkakaiba ang paggana ng wild, scatter, at payout system sa bawat slot machine. Bago mo subukan ang mga ito ay dapat lang na alamin ang tungkol sa mga ito.

Ang wild symbol sa larong ito ay ang isang kulay kayumangging kalasag na may gintong palamuti at nakaekis na sibat naman sa likuran. Ang wilds sa slot games ay pwedeng pumalit sa kahit anong mga simbolo sa isang winning combination. Ibig sabihin, ang halaga nito ay nakadepende sa kung anong simbolo ang pinalitan nito. Minsan lang lumabas ang wild, at dapat ay nakapwesto ito sa pangalawa at pang-apat na reels. Tandaang hindi lahat ng kumbinasyon ay pwede itong gawing pamalit lalo na sa scatter. 

elephant king slot big win 1
elephant king slot big win 1

Sa kabilang banda, ang scatter symbol ay ang ulo ng elepante. Lumalabas lamang ito sa una, pangatlo, at panlimang reel. Malaki ang naitutulong ng scatter upang ikaw ay manalo dahil naa-activate nito ang Price Bonus Disk na naglalaman ng iba’t ibang reward. Kapag swerte ka sa laro at ito ay lumabas, maaari kang manalo ng 500x hanggang 10,000x ng iyong taya. Halimbawa, kapag tumaya ka ng ₱100 at nakuha mo ang Prize Disc bonus ay makakatanggap ka nang ₱50,000 hanggang ₱1,000,000. Kapag naman lumitaw ang simbolo ng scatter ay makakatanggap ka ng 10 free spins. Hindi ba’t nakakalula ang laki ng premyo sa Elephant King Slot Big Win? 

Ang iyong payout ng regular na panalo ay nakadepende sa uri ng simbolo at kung ilang beses itong lumabas sa mga aktibong payline. Halimbawa, ang simbolong may pinakamababang halaga ay ang blue orb at diamond. Kapag ang mga ito ay lumabas ng tatlong beses, ikaw ay makakatanggap ng 2x ng iyong taya. Kapag limang beses naman ay 40x. Ang simbolo naman ng elepante ang may pinakamalaking payout. Ang paglabas ng tatlong simbolo nito ay katumbas na ng 25x ng taya habang ang lima naman nito ay 500x. 

Related Posts:

PSO2 Win Big Rappy Slots – Nitong Hindi Dapat Palampasin!

Li’l Red Slot Machine Big Win: Ang Bagong Bidang Slot sa 2022

Massive Slot Wins 2022: Top 8 Jackpot Wins sa Kasaysayan

Paano Laruin ang Elephant King Slot

Simple lang ang alituntunin ng online slot na ito. Kailangan mo munang magdesisyon kung magkano ang iyong itataya. Tandaan, ugaliing maglaro ng slot nang naaayon sa iyong budget. Ang bawat pusta sa bawat payline ay mula 1 hanggang 3,000 credits. Habang ang bawat pagpapaikot naman ng reels ay nagkakahalaga ng 75 hanggang 3,000 credits. Katulad ng naunang nabanggit, ang pinakamalaking halagang maaari mong mapanalunan dito ay aabot sa isang milyon. May pag-asa kang makuha ang jackpot na ito kapag pumusta ka gamit ang max bet na nagkakahalaga ng 3,000 credits. Pagkatapos nito, kailangan mong paikutin ang ang reels at hintayin ang resulta. Bakit kaya ganito kalaki ang jackpot sa slot na ito? Alam mo bang ito ang tinaguriang slot game ng IGN na may pinakamalaking payout?

elephant king slot big win 1
elephant king slot big win 1

Konklusyon

Isa sa mga dapat mong isaalang-alang kapag pipili ka ng slot machine ay ang RTP o Return To Player Rate nito. Ang RTP ng Elephant King Slots ay mula 92.16% hanggang 96.02%. Kung iisipin, okay din naman ito dahil ang average na RTP rate ay 95%. Masasabi nating maganda itong indikasyon ng isang tsansang manalo nang malaki. Subalit, pagdating naman sa volatility rate nito ay medyo dehado ang mga manlalaro dahil may malaking tsansa ring matalo rito. Kaya maging matalino sa paglalaro at iwasang tumaya nang malaki dahil maaari ka ring malugi sa kalaunan. Ang maganda lang dito ay may libreng bersyon ito kung saan pwede kang maglaro nang walang perang inilalabas. Magandang paraan ito upang magsanay kung paano ito laruin at iwasan ang pagkalugi. Ayos din itong alternatibo kung ang gusto mo lang ay mag-enjoy sa paglalaro. 

Sa kabuuan, mayroong kalamangan at kahinaan ang Elephant King Slot Big Win. Kaya bago mo simulan ang paglalaro nito ay dapat mong pag-aralan ang mga ito. Tandaang wala itong progressive jackpot at ang autoplay feature nito ay medyo limitado rin. Kung okay lang ito sa’yo ay ikaw ang magpapasya kung susubukan mo ba talaga ito. 

Sa kabilang banda, kung wala ka pa ring mahanap na site upang makalaro ng casino games ay subukan mo ang Mega Win Club. Pwede mong laruin ang Elephant King Slot dito. Higit sa lahat, marami kang pwedeng mapaglilibangan at mapagkakakitaang mga laro rito tulad ng slot machines, Poker, Tongits, at iba pa. Kaya huwag nang mag-alinlangan pa at i-check ang opisyal na website nito.

Download Mega Win Club
Download Mega Win Club on Android
Download Mega Win Club on iOS
Download Mega Win Club Apk

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *