Social Tongits: 2 Paraan sa Mas Mabilis na Pag-log in

Alam mo ba kung gaano sikat ang social tongits? Halos lahat ng mga tao ngayon bata man o matanda ay mayroon ng social media accounts. Marami kasi ang pwedeng gawin sa mga platform na ito. Maaaring makapag-post at share ng messages at pictures, makapaglaro, manood ng videos, makipag-usap sa mga kakilala kahit na nasa malayong mga lugar pa sila, at marami pang iba. Dahil sa kasikatang ito, isinamana ito sa mga pangunahing features ng mga game apps tulad ng Social Tongits.

Isa sa pinakasikat na social media platform ngayon ay ang Facebook. Ang Google naman ang pinakapopular na browser dahil mayroon na rin itong iba’t ibang functions tulad ng Google Drive at Google Docs kung saan makakapag-store ng files at maaari pa itong i-share sa iba.

Dahil sa functionality ng platforms na ito ay gumagawa na ang mga developer ng apps na maaaring i-link sa mga ito para mas madaling makagawa ng account. Maaaring makapagsign-up gamit ang ilang social media account kaya hindi na kailangan mag-fill up ng napakaraming impormasyon. Ang kailangan lang gawin ay iugnay ito sa Facebook o Google account.

Ang Social Tongits ay ang kauna-unahang multi-player Tongits card game gamit ang Ultimate Credits. Malalaro ito online kasama ang iyong pamilya o mga kaibigan saang bahagi man sila ng mundo naroroon. Masaya itong laruin at siguradong magkakaroon ng magandang karanasan ang pamilya sa paglalaro kung ang hanap ay purong paglilibang dahil hindi ito paying app na tulad ng Mega Win Club.

social tongits
social tongits

Features ng Social Tongits App

Sa paglalaro ng Tongits sa Social Tongits app, maaaring mag-sign up gamit ang Facebook o Google log-in. Sa pag-log-in pa lang ay may makukuha na ng load credits na magagamit sa paglalaro ng Tongits. May daily bonus din na makukuha sa araw-araw na pag-log-in.

I-personalize ang account at lagyan ito ng profile picture. I-add ang mga kaibigan at hamunin sila sa iba’t ibang game tables na available. Makakapag-chat pa kayo habang naglalaro ng Tongits.

Makakabili ng load credits gamit ang Metrodeal, Paypal, Load Central at mobile load. Maaaring makapagpadala at makatanggap ng gift credits gamit ang iyong account. Sa pagbili ng load credits, makakaipon ng loyalty points na maaaring ipalit sa load credits kapag umabot sa itinalagang halaga sa laro.

Ginagawang mas mahusay ng Social Tongits ang isang pangkaraniwang manlalaro at hinahamon ang mga eksperto sa pamamagitan ng kakayahang makipaglaro sa mga kamag-anak, kaibigan at iba pang mga manlalaro sa buong mundo sa isang friendly at live na lugar. Nag-aalok ito ng kapaligirang parang magkakatabi lang kayo na naglalaro.

Pagsisimulang Maglaro ng Social Tongits

Sa main screen ng app, makikita ang icon na “Buy Load”, “Tables”, at “Quick Play”. Ang mga tab na ito ang gagamitin para makapaglaro. 

Ang unang kailangang gawin ay ng pumili ng bonus code na gagamitin mula sa Buy Load icon. Sa loob nito ay may bonus code box, ilagay dito ang codes na ibibigay ng random para makakuha ng libreng load credits.

Sa settings ng button mahahanap ang feedback, help, sound, at button para sa pag-log-out. Sa tapat ng profile icon makikita ang load balance. Maaaring maglagay ng litrato dito para mapersonalize ito.

Ang quickplay ay magagamit upang makapunta ng instant sa play table ng laro depende sa halaga ng tayang pipiliin. Pagkatapos pumili ay maaari nang masimulan ang paglalaro.

Related Posts:

Tongits Plus: 100% na Sulit Bang Laruin?

Filipino Card Game Tongits at Mga Sikat na 5 Pinoy Gambling Games

Tongits Extreme: Dapat Laruin o Dapat Iwasan?

social tongits
social tongits

Mga Dapat at Hindi Dapat Gawin sa Paglalaro ng Tongits

Ang pagiging bangka sa larong Tongits ay maaaring maging isang advantage dahil mayroon kang isang sobrang baraha. Mas malaki ang tsansa na makakumpleto ng mga bahay nang mas mabilis. At kung ikaw ay bangka at sakto na agad sa mga bahay ang baraha mo, maaari kang makapagdeklara ng Tongits kahit na kakasimula pa lang ng laro hindi tulad ng mga kalaro na maghihintay pa ng oras ng pagtira nila para ito magawa.

Sa bawat pagbunot ng baraha, ingatan na huwag itong makita ng ibang manlalaro upang hindi sila magkaroon ng ideya sa hawak mong baraha.

Ang mga itinatapon mong baraha ay maaaring kunin ng kasunod na manlalaro kaya dapat maging maingat sa pagtatapon ng baraha. Tingnan ang mga itinatapon ng kalaro upang magkaroon ng ideya kung ano ang hawak nilang baraha at gayundin kung ano ang barahang iiwasang itapon.

Huwag ibaba ang lahat ng bahay na nabuo. Mas magkakaroon ng ideya ang mga kalaban kung ano ang mga natitira mong baraha at makakapag-isip ng epektibong estratehiyang gagamitin sa iyo kapag ibinaba mo ang bawat nabubuong bahay. 

Ito ay laro na pabilisan ng pag-iisip at dagdag na benepisyo ang kaalaman sa matematika upang makwenta ang mga magiging puntos ng iyong baraha at masiguro na magiging pinakamababa ang hawak mong baraha sakaling umabot sa pababaan ng mga baraha para malaman kung sino ang mananalo.

Kausapin o kwentuhan ang mga kalaro upang madistrak sila at makalimutan o mawala sa isipan ang nabubuong estratehiya nila sa isip. Huwag lang masyadong malibang sa pagkukwento at baka ikaw naman ang mawala sa pokus at makalimutan mo rin ang diskarteng nasa isip na gagamitin naman sa kanila.

social tongits
social tongits

Konklusyon

Ang paggamit ng social media ay nakakapagpadali ng pag-sign up sa apps at iba’t ibang mga platform na sinasalihan. Kailangan lang na mag-ingat at siguraduhin na legit ang app na pagkukunektahan nito dahil kung matapat sa mga scam na app o mga app na nilikha para sa phising ay maaaring makuha ang impormasyon na nakalagay sa account at magamit ito laban sa iyo. Marami pa naman ngayong nagsusubok na mang-hack ng mga social media account at gamitin itong pambiktima ng mga kaibigan ng may-ari ng account. Lalong delikado kung may nakalagay na importanteng impormasyon sa loob nito lalo na ang bank details, passwords o kung ano pa man.

Ang Social Tongits ay isang magandang app ng Tongits maliban sa ilang mga problema ng sistema nito gayundin ang kawalan ng payout. Mas maganda sana ito kung maaaring makuha o maipalit ang mapapanalunan sa paglalaro ng Tongits dito. Mas gaganahan ang mga manlalaro at maeenganyong mas gamitin ang app na ito. 

Download Mega Win Club
Download Mega Win Club on Android
Download Mega Win Club on iOS
Download Mega Win Club Apk

Isang magandang alternatibong app ang Mega Win Club dahil maaaring makuha ang napanalunan sa app na ito. Makakapaglaro ng paboritong Tongits, iba’t ibang card games, at mayroon din itong slots, Kulay-Kulay at marami pang iba. Sa dami ng mapagpipiliang mga app sa ngayon, hindi na kailangang magtyaga sa mga app na problemado dahil napakadali naman na mag-download at mag-install ng mga legit na paying app. Kailangan lang na maging mapanuri at tiyakin na legit ang mga gagamiting app upang makaiwas na magsisi sa bandang huli. Kaya ano pa ang hinihintay mo? Maglaro na tayo ng Tongits!!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *