Filipino Card Game Tongits at Mga Sikat na 5 Pinoy Gambling Games

Filipino Card Game Tongits – Ang card game ay isa sa pinakasikat na card game sa Pilipinas at paboritong laro ng mga Pilipino. Ano ang pinakapaboritong Filipino Card Game Tongits? Makikita mo ang mga naglalaro nito kahit sa tambak ng maliliit na baryo.

Nilalaro ito gamit ang isang set ng tipikal na barahang may 52 cards. Sakto ito para sa tatlong manlalaro. Ang layunin sa Tongits card game ay ang maubos lahat ang mga barahang hawak o kaya naman ay maging pinakamababa ang bilang ng iyong baraha sa kabuuan. Magagawa ito sa pamamagitan ng pagbuo ng mga kumbinasyon. Maaaring tatlo o apat na magkakaparehong numero o kaya naman ay tatlo o higit pang magkakasunod na numerong may parehong suit.

Ang manlalarong titira ay maaaring pumili kung kukunin ang tinapong tongits card ng naunang tumira kaysa sa kanya o kaya naman ay bumunot sa stack na nasa sentro ng lamesa. Magpapatuloy ang pag-ikot ng mga manlalaro hanggang sa maubos ang tongits card na nasa gitna o kung may magdeklara na ng “Tongits!”

Panguingue

Ang larong ito ay kilala rin bilang “Pan”. Nilalaro ito gamit ang 320-card deck o pinagsama-samang walong ordinaryong set ng barahang tatanggalin ang 8,9,10 at Joker para maging 40-card Spanish deck.

Ang ikot ng pagbibigay ng baraha ng bangka ay pakanan at bawat manlalaro ay tatanggap ng tig-sampung bilang ng baraha. Pagkatapos ng pagbibigay ng baraha, magdedesisyon ang mga manlalaro kung isusuko ang baraha o ilalaban.

Kailangang makabuo ng mga bahay. Ito ay binubuo ng tatlo o apat na pare-parehong numero o maaari ring tatlo o apat na magkakasunod ng bilang na may parehong suit.

Maaaring mamili ang titira kung kukuha ng baraha sa bunutan o kukunin ang itinapon ng naunang tumira. Kapag nahawakan na niya ang baraha sa stack, hindi na niya pwedeng kunin ang itinapong baraha.

filipino card game tongits
filipino card game tongits

Pekwa

Isa pang laro sa tabi ng Filipino Card Game Tongits, sa Ingles ay tinatawag din itong Seven o Fan Tan. Ito ay nilalaro gamit ang normal na 52-card deck. Hahatiin ang baraha sa tatlo o apat na manlalaro. Ang manlalarong nakakuha ng 7 na diamond ang siyang unang titira.

Ilalagay ang barahang seven sa gitna bilang panimula at ang susunod na manlalaro ay maaaring maglagay ng kasunod na bilang nitong 6 o kaya ay 8 ng parehong suit kung mayroon siya nito. Kung may 7 naman siya na ibang suit ay maaari rin niya itong ilapag upang madugtungan din ng mga susunod na titira. Magpapatuloy lang ang pagdugtong sa baraha nang ayon sa pagkakasunud-sunod ng numero nito hanggang sa may maubos ang lahat ng baraha ng bawat manlalaro. Ang unang makakaubos ang siyang mananalo. Kung walang pandugtong sa oras ng pagtira, maaaring mag-pass ang manlalaro ngunit ipinagbabawal ang mag-pass kung mayroon siyang pwedeng itira at gusto lang mang-ipit.

Related Posts:

Social Tongits: 2 Paraan sa Mas Mabilis na Pag-log in

Tongits Extreme: Dapat Laruin o Dapat Iwasan?

Tongits Plus: 100% na Sulit Bang Laruin?

Pusoy Way

Karagdagan sa Filipino Card Game Tongits, ito ang card game na pinakamabilis laruin. Gamit ang 52-card deck, ipamimigay itong lahat sa apat o tatlong manlalaro at magakakaroon ang bawat isa ng tig-13 baraha. Kung tatlo lang ang maglalaro, tig-13 pa rin ang ipamimigay, itatabi lang ang isang set at hindi gagalawin. ‘Pag nakuha na ito ay aayusin ito sa 3/5/5. Sa ibabaw ang pinakamataas na tatlo, kasunod ang sa gitnang lima at ang pang-ibabang lima ang pinakamababang value. 

Maaari itong ayusin sa grupo ng pares, trio, straight, flush, full house, quadra, o royal flush. Maaaring lagyan ng kumbinasyon depende sa makukuhang baraha. Ang alas ang pinakamataas na value ng baraha at ang dos naman ang may pinakamababa.

Kapag natapos nang ayusin ang lahat ng kani-kanyang baraha, sabay-sabay na ibababa ang mga baraha at pagkukumparahin ang mga ito upang malaman kung sino ang may pinakamataas na value ng baraha. Minsan ay mas matagal pa ang pag-ayos ng mga baraha kaysa sa pagdedeklara kung sino ang nanalo kaya nakakatuwa itong laruin dahil may mga pagkakataong nagkakatalo sa pagkakaayos o sa pagpili ng set ng barahang gagamitin.

filipino card game tongits
filipino card game tongits

Pusoy Dos

Ito ay gumagamit din ng pangunahing konsepto ng Pusoy. Ang kaibahan lang dito ay ang mga Dos ang may pinakamatataas na value sa laro. Ang layunin sa laro ay paunahang makaubos ng baraha. Aayusin din itong may mga set sa kung paanong diskarte ang gusto mong pagtira. Mas mabuting iayos ito sa paraang laging magpa-pass ang mga kalaban dahil wala silang maititirang mas mataas sa ibinaba mo upang bumalik lagi sa iyo at maubos agad ang baraha mo. Isa-isang titira nang paikot ang mga manlalaro ngunit kailangang mas mataas ang value ng ibabang baraha kaysa sa ibinaba ng nauna sa iyo. Maaaring mag-pass kung wala kang maititirang mas mataas dito at ganun din ang susunod na titira sa iyo. Paulit-ulit lang ang pag-ikot hanggang sa maubos ang baraha ng bawat manlalaro. Mananalo ang unang makakaubos ng baraha. 

Lucky 9

Karagdagan sa Filipino Card Game Tongits, ito ay isang mabilisang laro. Kumpara sa iba, ito ay may simpleng mechanics lang ng paglalaro. Bibigyan ka lang ng bangkero ng paunang dalawang baraha. Pipintahan mo lang ito kung malapit na ba sa numerong 9 ang total na bilang ng dalawang baraha. Kung malapit na ay maghihintay ka na lang na matapos din ang iba. Kung tingin mo ay masyadong malayo sa 9, maaaring humingi ng isa pang baraha. Bilanging muli ang total ng tatlong baraha kung “good” na ito. Kapag natapos na ang lahat ay ipakikita ng manlalaro ang kani-kanyang card upang malaman kung kaninong baraha ang siyang pinakamalapit sa numerong 9 at siya ang mananalo.

filipino card game tongits

Konklusyon: Filipino Card Game Tongits 

Mayaman sa kultura ang bansang Pilipinas at kasama na rin dito ang iba’t ibang mga card at gambling games. Laman ito ng mga lamay ng patay o sa mga lugar kung saan mas maraming mahihirap na barangay. Karaniwang makikita ang mga naglalaro nito sa mga kanto o masisikip na eskinita. Naging pangunahing libangan na ang mga ito. 

Ngayon naman sa mga online apps at platform sumisikat ang mga larong ganito. Nangunguna na nga rito ang Filipino card games Tongits. May mga app na ginawa para maging libangan lang at mayroon ding ginawa para sa mga gambler o ‘yung gustong maglaro at kumita rin ng paunti-unti gaya ng Mega Win Club. Maaaring ma-payout ang mapapanalunan sa paglalaro ng mga paboritong card games dito.

Download Mega Win Club
Download Mega Win Club on Android
Download Mega Win Club on iOS
Download Mega Win Club Apk

Iba-iba ang laki ng taya ng mga manlalaro depende sa kakayahang pananalapi at depende rin sa halaga ng tayang kaya niyang isugal. Tandaan lang na ang sugal ay hindi laging may panalo kaya tumaya lang ng halagang hindi masakit sa loob mo kung matalo ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *